Ano ang pinagkaiba ng tradisyunal at moderno ? Ano ang naging sanhi ng pagbabago ? Paano nga ba napalitan ang pamumuhay ng mga tao mula sa pagiging tradisyunal patungo sa pagiging moderno ?
Ayon sa aking natutunan, sinabi ni Max Weber na ang pinakamalaking pinagkaiba ng tradisyunal na lipunan at modernong lipunan ay ang paraan ng mga tao mag-isip, hindi ekonomika, teknolohiya at politikal. Sa tradisyunal na lipunan , naniniwala ang mga tao na mayroon “basic order” at ang mga bagay-bagay ay dapat manatili sa kung ano mang anyo ang meron sila. Ito ay makikita sa panahon ng monarkiya, kung saan malakas ang paniniwala ng mga tao sa kung ano ang idinidikta ng mga may kapangyarihan, gaya ng mga hari at reyna, maging ang simbahan, at walang sinuman ang maaaring kumwesyon sa mga ito, dahil ito nga ay utos ng Diyos sabi nila. Pagdating naman sa modernong panahon , ang mga tao ay natutong maging “rational”. Nagkaroon ng panibagong pamamaraan sa pamumuhay o paggawa, isang halimbawa na dito ay ang pag gawa ng isang mangkok, kung sa tradisyunal na panahon ay ang bawat manggagawa ay may kanya kanyang pamamaraan upang gumawa ng mangkok, sa modernong panahon ito ay nagbago. Mapapansin na kung ikaw ay gagawa ng dalawang mangkok , makikitang mayroong pagkakaibang mangyayari sa dalawang produkto kahit gano man ito kaliit, ngunit sa modernong panahon , naging kalkulado ang mga galaw at nagkaroon ng iisa o “standard” na pamamaraan na susundin, makikita ito sa mga pabrika kung saan ang paggawa ay napapasa ilalim na ng mga makinarya. Alam mong ang mangkok ay magiging mangkok mula sa mga materlyales na hilaw ay dahil sa paraan na ginagamit sa paggawa nito. At ang mga tao sa modernong panahon ay patuloy na nagiisip ng mga paraan upang mas mapaganda, mapabilis, at mapadali ang pag gawa. Ang lahat ng pagbabagong ito ay hindi mangyayari kung walang dahila, ano nga ba ang naging sanhi ng pagbabagong ito? Ayon kay Weber, ang sanhi ng pagbabagong ito ay ang relihiyon, nakasulat sa kanyang librong “The protestant ethic and the spirit of capitalism”, na nagsimula ang pagbabago mula sa “Protestant reformation”, isang relihiyon na taliwas sa paniniwala ng simbahang katoliko. Iniwanan ng mga tao ang paniniwala na ang lahat ng mga bagay bagay ay kung ano ang anyo nila dahil ito ay ginusto ng diyos, halimbawa ang pagsasaka, ang pagsasaka ay ginagawa sa mga bukid dahil ito ay ginusto ng diyos. Ngunit sa “protestant reformation” umusbong ang calvinismo, na naniniwalang ang lahat ay nakatadhana na, kung ikaw ba ay maliligtas o kung ikaw ba ay mapupunta sa ibaba, pinaniwalaan nilang ang senyales na ikaw ay maliligtas ay ang pagkakaroon mo ng marangyang buhay. Sa palagay ko ito rin ang naging dahilan kung bakit dumami ang mga kapitalista. Ang pagtatrabaho ay nagkaroon na ng panibagong dahilan, hindi ka na lamang nagtatrabaho upang makamit ang mga kailangan mo sa buhay, ngunit naging paraan na ito para magkaroon ng mas maraming kayamanan, dahil pinaniniwalaan nga na ang pagkakaroon ng mas maraming yaman ang senyales na ikaw ay kasama sa mga maliligtas. Binago nito ang tradisyunal na pagiisip papunta sa isang lipunang may indibidwalisitiko at kapitalistang lipunan, na ang hangarin ay ang pagpapayaman. Kasabay din nito ang pag usbong ng byurokrasya, kung saan mayroong sinusunod na alituntunan ang lahat, rasyonal ang mga kilos at pawang impersonal. Kung dati ang nagbibigay ng utos ay ang hari , na walang karapatang kwestyunin ng kung sino man, sa pagusbong ng byurokrasya, nagkaroon ng “chain of command” at ang mga taong nasa taas ang ay mga taong may napatunayan. Ang takbo ng pamumuno ay kadalasang nahahati sa dalawa, legal-rational kung saan ito ay pinaniniwalaan dahil ang mga tao ay may tiwala sa sistema, isang halimbawa nito ang simbahang katoliko, ang pope ay may malakas na kapangyarihan dahil ganun na talaga dati pa, ang isa naman ay ang charismatic legitimacy, kung saan ang isang tao ay sinusunod dahil mayroong nakita ang kanyang mga taga sunod na isang katangiang hindi ordinaryo at makapagbibigay ng malaking epekto sa kanila, isang halimbawa nito ay si Adolf Hitler.
Sa makatuwid, malaki ang idinulot na pagbabago ng pagiging rasyonal ng mga tao mag isip sa pagbabago ng ating lipunan, nagbukas ito ng pinto patungo sa mas maraming paraan ng pamumuhay, mga panibagong pamamaraan, at ang pagsilang ng byurokrasya.